Monday, June 18, 2007

May pag-sa pa nga ba?

May pag-asa pa nga ba ang Pilipinas umunlad?? OO may pag-asa pa tayong umunlad kung tayo'y magkakaisa at magtutulungan, kung ang mga pulitikong nakaupo ngayon eh uunahin ang problema ng bayan tiyak uunlad tayo, kaso puro pansariling intensyon lang ang kanilang inuuna, nag-aaway ng dahil lang sa pera, nag-aaway sa mga pansariling kagustuhan nila. Aalalahanin nyo napaka daming nagugutom at naghihirap na mga kababayan natin na umaasa sa tulong ng gobyerno. Gusto kong ring iparating sa mga dukha nating kababayan na sana'y wag na nating iasa lahat sa gobyerno at wag nating isisi lahat sa gobyerno dapat gumagawa rin tayo at nagsisikap para sa pamilya natin. Para sa ating lahat nawa'y patnubayan tayo ng Poong Maykapal!